CAGAYAN DE ORO CITY – Naiahon na ng National Intelligence Coordinating Agency 10 kasama ang militar at kumatawan ng Wao municipal government ang mga buto ng isang amasona na taga-Bukidnon na umano’y pinatay ng kasamahan dahil napagdudahan na espiya ng gobyerno at inilibing sa Lumba-Bayabao,Lanao del Sur.
Ito ay matapos natunton ng pamahalaan ang lugar na pinatay at inilibing ng CPP’s Sub-Regional Committee 5 ng rebeldeng New People’s Army (NPA) si Hope Capangpangan Riden dahil nahatulan ng kamatayan ng kilusan noong Hunyo 2018.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero na 16 anyos pa lamang nang pumasok ng kilusan si Riden dahil una ring napabilang ang kanyang ama na si Ricky.
Inihayag ni Cordero na matapos ang anim na taon na pagiging aktibo ng kilusan ay tuluyang nakalabas si Ricky subalit naiiwan naman ang kanyang anak.
Nakatawag pa umano ang anak kung saan nangngusmusta sa pamilya at nagsabi na gusto na rin magbalik-loob sa gobyerno.
Subalit hindi na ito nangyari pa dahil pinaiimbestigahan si Hope at sapilitan na pinaamin na military spy kaya napagpasyahan na dahil sa Lanao del Sur at tuluyang ipinapa-patay ng sarili nitong mga kasamahan.
Lumutang naman si alyas Rey na nagbalik-gobyerno na rin mula sa Luzon at ikinu-kuwento na pinatay na nila ang biktima kaya ikinasa ang ilang araw na pag-akyat sa bundok.
Nakasagupa pa ng state forces ang ilan sa SRC-5 ng NPA bago tuluyang makuha at dinala sa munisipyo ng Wao ang mga buto ng biktima.
Una nang kinunan ng DNA sampling ang biktima at kapatid nito para i-match upang tuluyang mapanatag ang loob ng kanyang pamilya.