“It doesn’t prove anything” o hindi nagpapatunay ng anumang unexplained wealth at kriminal na gawain—ito ang binigyang-diin ni Atty. Dale Mordeno ng Mordeno Law Office ukol sa mga datos mula sa Anti-Money Laundering Council sa impeachment trial sa Senado.

Ipinaliwanag ng abogado na bagama’t may mga bank record na hindi naipakita sa SALN, isa lamang itong raw data na mayroon pang mga legal na paliwanag na ilalabas ang kampo ng depensa.

Idinagdag ng opisyal na ang paggamit ng mga alyas sa pagpapalabas ng 125 milyong pisong confidential fund ay isang pormal na pamamaraan ng operasyon upang maprotektahan ang seguridad ng tanggapan.

Dahil sa kakulangan ng ebidensya sa predicate crime, itinuturing ng abogado na wala pa ring napatutunayan ang prosekusyon sa sinasabing pag-abuso sa pondo ng gobyerno sa Article 1.