CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang ama dahil sa paghahalay umano sa kanyang sariling anak sa loob ng halos dalawang dekada matapos konsentihen ng kanyang asawa dito sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Mark, 39, at dating electrician ng Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro.

Sinabi ni Cogon Police Station Commander Capt. Tessie Lleva, limang taon pa lang ang biktima ng sinimulang gahasain ng ama hanggang nag 20-anyos na ito.

Ayon kay Lleva dati ng nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na assistant teacher ngunit pinagalitan lamang ito at nagpapatuloy pa ang panggagahasa.

Padating sa presento, mismong ang ina pa ang nakikiusap sa kanyang anak na palayain na lamang ang suspek.

Sinampahan na ng kasong rape ang suspek matapos lumabas sa mediko legal na kumpirmadong nagalaw ang biktima.