CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghanap ng Lumbia Police Station operatives ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ang anak na itinurong sumaksak ng sariling ina at humampas ng kahoy resulta ng matinding kalasingan sa Barangay Tignapoloan, Cagayan de Oro City.

Salaysay ng 58 anyos na ina na si alyas Bel na namamayani umano ang kalasingan ng anak niyang si alyas ‘Boy Mao’y kaya siya ang pinag-tripan dahilan humantong nang panghahampas ng kahoy at pananaksak gamit ang kutsara.

Nadamay rin isa pa nitong anak dahil tinamaan sa pinaggagawa ng tumakas na suspek.

Umani ng grabeng pagbatikos mula sa mga kapitbahay ang pinagggawa ng suspek na saktan ang sariling ina dahil lang sa sobrang kalasingan.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagpapagaling muna ng kanyang mga sugat at pasa ng katawan ang ina at anak nitong pinag-tripan ng suspek.