CAGAYAN DE ORO CITY- Naaresto ng pulisya ang anak na babae ng dating city mayor at dalawa pa na ibang kasamahan sa Kingsfield Inn,Tejero Street,Barangay Kauswagan,Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Cogon Police Station 2 commander Capt Ernesto Sanchez ang prime target na si Nicole Angela Ancheta,24,dalaga at residente na sa Barangay Carmen nitong lungsod.
Inihayag ni Sanchez na kasama na naaresto nila sina Nico Ferrer,23 anyos,binata na taga- Barangay Patrocenio,Claveria,Misamis Oriental at Elmar Pates,23 anyos,binata na residente sa Barangay Bayabas ng lungsod.
Nakompiska mula sa mga suspek ang nasa higit dalawang libo na halaga ng suspected shabu matapos naisagawa ang anti-illegal drug buy bust operation kagabi.
Nakatakdang ihahabol ang pagsampa ng kaso laban sa mga suspek sa piskalya ng syudad nitong araw.
Samantala,itinanggi naman ni Ancheta na nagtutulak sila ng droga bagkus ay minsan lamang gumagamit ng ilegal nga droga.
Inamin rin ni Nicole Angela na umano’y anak ito ng yumaong si dating Valencia City mayor at three term congressman Berthobal Ancheta na naninilbihan sa Bukidnon simula taong taong 1988 hanggang 200.
Una nang iginiit ng suspek na nagsimula umano itong gugamit ng ilegal na droga matapos nakapag-boyfriend ng isang suspected shabu user noong nag-aaral pa sa kolehiyo.