CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang anak nang pinagtulungan tagain ng kanyang sariling pamilya sa KM 16, Barangay Besigan,Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Roland Soyawan,43 anyos,may asawa at residente sa lugar.
Inihayag ni Lumbia Police Station commander Major Valentines Baja na hinarang umano ng biktima ang kanyang kapatid na si Rene Sowayan habang nakasakay ng kabayo at biglang tinaga.
Subalit nakaganti umano kaagad si Rene gamit ang itak kaya nag-resulta sa kamatayan ng biktima.
Dagdag ni Baja na nakasaksi rin ang isa pang menor de edad na kapatid ng dalawa at mismong ama nila subalit hindi umawat at napaulat na pinagtulungan ang bitkima hanggang mamatay.
Kaugnay nito,inaresto ang tatlong miyembro ng pamilya at nakatakdang kakasuhan ng parricide habang ang menor de edad ay dadalhin sa DSWD.