(Update) CAGAYAN DE ORO CITY –Natukoy na bagamat hindi muna inilahad ng tuluyan ang partikular na pangalan ng grupo ng armadong kalalakihan na nakipag-engkuwentro ng pulisya sa checkpoint ng Libertad,Misamis Oriental.
Ito ay matapos naaresto matapos nabalian ng paa ang isa sa apat na buhay na mga suspek nang tumalon sa tulay habang nagkapalitan ng mga putok sa mismong crime scene kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Police Office Director Col Robert Roy Bahian na kabilang sa naaresto ay si Richardson Perez na tubong Cebu Province subalit pansamantala nakatira sa bayan ng Opol,Misamis Oriental.
Inihayag ni Bahian na bagamat lumulutang na ang ‘Perez Organized Syndicate Group’ subalit hindi muna nito tuluyang kinompirma habang tinutugis ang kasamahan ni Perez na kabilang sa nakatakas kagabi.
Dagdag ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa ibang rehiyon at probinsya kung saan matunog ang pangalan ng grupo ng mga suspek.
Sa naganap na engkuwentro,dead on the spot ang tila umaasta na matapang na driver ng kulay puti na Mitsubishi Mirage na si Jephone Fabriga Tinamisan na nagmula sa Ozamiz City nang mabaril ng pulisya.
Magugunitang sinita ni Police Staff Sergeant Ronald Caayupan at Police Chief Master Sergeant Fernando Maestrado ang grupo ni Tinamisan dahil napaulat na mayroong karga na mga baril at granada.
Subalit linapitan ni Tinamisan si Caapuyan at malapitan na binaril ang dibdib ng tatlong beses kaya nagka-barilan at nagkatakbuhan na sa crime scene.
Naisugod agad sa pagamutan si Caapuyan subalit dead on arrival habang ligtas na rin si Maestrado at isa pang sibilyan na tinamaan ng ligaw na bala kagabi.
Maliban sa narekober na sasakyan,nabawi rin ng pulisya ang apat na kalibre 45,dalawang KG 9, .9-mm pistol,apat na granada at limang sachets ng suspected shabu.