CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-self quarantine mismo ang commanding officer kasama ang pito na ibang sundalo sa loob ng 103rd Infantry Batallion (IB),Philippine Army na nakabase sa Kampo Ranao,Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ay matapos kinompirma ni 103rd IB commander B/Gen Jose Maria Cuerpo na dinapuan siya ng coronavirus disease (COVID-19) habang sumabak sa isang peace and order operation sa nasabing lugar noong huling linggo ng Pebrero 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cuerpo na nakuha niya ang bayrus mula sa isa sa kanyang military staff dahilan na halos 10 sila lahat na naka-quarantine.
Sinabi ni Cuerpo na bagamat nanatili malakas umano siya dahil nagsilbi lang itong asymptomatic nang hawaan ng bayrus.
Kinompirma rin ng heneral na halos patapos na ang kanyang 14 days mandatory quarantine period.
Magugunitang ang Lanao del Sur ang isa mga probinsya sa Mindanao na mayroong mataas na bilang ng positibong kaso simula nang makapasok ang COVID-19 sa bansa.