CAGAYAN DE ORO CITY – Dagdag sakit ng ulo para sa mga maraming magsasaka at farming investors ang biglaan na pag-atake ng ‘fall armyworms’ (FAW) sa malaking sakahan ng mga mais sa Northern Mindanao.
Ito ay sa kabila ng kasalukuyang tinitiis ng farming sector na krisis na dulot ng coronavirus disease 19 dito sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Department of Agriculture 10 regional director Carlene Collado na nasa 35 na munisipalidad at isang lungsod ang napasok ng armyworms kung saan nagmula ito sa Bukidnon at Misamis Oriental.
Inihayag ni Collado na nasa 25 porsyento na ng mga sakahan ng mais ang na danyos sa Bukidnon habang 5 percent naman ang nanggaling sa Misamis Oriental.
Dagdag ni Collado na dagdag pahirap ito para sa mga magsasaka sa kabila nang kinaharap na krisis ng ekonomiya na sanhi ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay mayroon na silang ibinigay na insecticides para magamit ng mga magsasaka na malabanan ang biglaang pag-atake ng mga peste.
Kadalasan ay aatake ang armyworms sa mga pananim kung mataas ang tag-init at huli nang papasok ang tag-ulan sa isang lugar sa bansa.