CAGAYAN DE ORO CITY – Nagka-interes na ngayon ang Australian Team na alamin kung anong uri ng boxing program ang hawak ng local government unit ng Cagayan de Oro na tahasang dala-dala at makikita sa katauhan ni Carlo Paalam na lumalaban pa sa Tokyo Olympics.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Mayor Oscar Moreno na nagkausap sila ni ABAP Secretary General Ed Picson kung saan napahanga umano ng husto ang Australian boxing coach ng Philippine team na si Don Abnett sa lahat ng performances ni Paalam.
Sinabi ni Moreno na nais umano ni Abnett na makipagkita sa kanya kasama ang Australia-based team pagkatapos ng Olympics mismo sa Cagayan de Oro City para makakuha ng kaalaman kung paano isinabak program ang maliliit na mga bata ng boksing kung saan nagmula si Paalam.
Dagdag ng opisyal na naging epektibo at maganda ang itinakbo ng boxing program ng lungsod dahil na rin sa pagpasok ng suporta mula sa business tycoon Manny V. Pangilinan,telco company at mismong sa ABAP.
Ito ang dahilan na kabilang sa Carlo na namamayagpag ng husto sa kanyang mga laban simula noon sa local hanggang sa international boxing arena.
Kaugnay nito,nai-kuwento rin umano ni Picson na gagawing modelo ng ABAP ang training program ng syudad upang makapag-produce ng mga panibagong boksingero na halos magkasingtulad sa abilidad ni Paalam na maging pambato sa future international boxing fights.
Magugunitang dahil na rin sa tulong ng dating Olympian boxer at coach Bobby Harnaiz;1969 WBC super featherweight champion Rene Barrientos at pagpasok ni Coach Elmer Pamisa ay nagkaroon ng nag-iisang ‘Carlo Paalam’ na halos abot-kamay na ang medalyang ginto para sa Pilipinas.
Lalaban si Carlo para sa gold medal kontra Great Britain 2-time Olympian British boxer Galal Yafai na kampeon rin sa European boxing bukas ng hapon.