CAGAYAN DE ORO CITY – Mabubulok sa loob ng kulungan ang itinuring na ‘world most wanted pedophile’ na Australian national at dalawag Pinay na kasintahan nito habang isinagawa ang human trafficking in persons at syndicated child pornography activities sa bahagi ng Mindanao region.
Matapos pinatawan ang una nang convicted na si Australian national Peter Gerard Scully ng kabuuang 129 years life imprisonment habang tig-126 na taon ang kanyang mga naging kasintahan na sina Carme Ann Alvarez at Lovely Margallo dahil sa kinasangkutang kremin simula taong 2013 hanggang 2015.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Regional State Prosecutor chief Atty Merlynn Uy na sa unang batch ng criminal case ay nahatulan ng 50 years imprisonment sina Scully at Alvarez dahilan nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm ng Panabo City.
Sinabi ni Uy na tuluyan na rin inamin ni Scully ang kanyang pagkasala dahil pumasok ito sa ‘plea bargaining agreement’ sa pangalawang batch ng kaso upang maibsan ang mga taon ng kanilang pagkakabilanggo.
Ito ang dahilan na hinatulan sila ng guilty ng korte na humawak sa consolidated criminal cases na kinabilangan ng 6 counts ng qualified human trafficking,5 counts rin ng child abuse at syndicated child pornography.
Nahaharap rin ng tig-siyam na taon na pagkabilanggo ang kasabwat sa grupo ni Scully na si Maria Dorothea Chia at taxi driver na si Alexander Ladao.
Kung maalala,nagkakaso ng fraud si Scully sa Australia kaya nagtago sa Pilipinas at ginawa ang ‘dark web business’ nito kung saan foreign professionals ang kanyang mga kliyente.
Magugunitang pinatay ni Scully ang 18-month old na batang babae matapos ginahasa ng ilang beses at tuluyang inilibing sa tiles kitchen sa ni-rentahang bahay sa Surigao City bago pumasok sa Northern Mindanao.
Na-aresto si Scully sa NBI raid operation habang nakahubad kasama ang dalawa pang menor de edad sa hideout nito sa Malabaybalay City,Bukidnon taong 2015.
Napag-alaman na nasa 60 counts na kaso ang kinaharap ni Scully dahil sa halos 10 menor de edad ang kanyang mga biktima dahilan na pinatawan ng higit isang siglong taong pagkakabilanggo.