Naniniwala ang pangkat ng Masa Sara Duterte Alliance o MASADA na wala nang silbi ang away sa politika at ang isinasagawang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil ang pagkahandusay ng ekonomiya ng bansa ang tunay na isyu sa kasalukuyan.

Sinabi ng lider ng grupo na si Ben Ranque na sumisigaw at umaaray na ang taumbayan at ang mga negosyante dahil sa kakahuyan ng benta, kawalan ng kita, at pagkasira ng kabuhayan.

Dugtong dito, kahit ang mga malalaking lupon sa negosyo tulad ng Chinese Chamber of Commerce at Makati Business Club ay nawalan na ng tiwala sa pagpapatakbo ng kasalukuyang administrasyon.

Kaya naman, pinanindigan ng MASADA na ang matinding hirap sa ekonomiya at hindi ang mga pampolitikang pagtatalo ang tunay na makapagpapaalis kay President Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto.