Photos from Bombo Charm Tamsi)

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY -Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang anggulo na kaya nagwawala ang isang Maranao at tinangka pasabugan ng granada ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay dahil nakompiska ang kanyang lawaan cut logs sa Barangay Jampason,Initao,Misamis Oriental.

Ito ay matapos lumalabas ang ulat na nagalit umano ang suspek na si Ibrahim Basher, 65 anyos, residente sa Tulay Madamba Lanao del Sur ng hindi ma-release ang kanyang mga kahoy na naka-karga sa isang wingban dahil sa kakulangan ng mga dokumento.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Misamis Oriental Provincial Police Office Director Col Robert Roy Bahian na kaya umabot sa loob ng Initao College si Basher ay hinabol nito ang ilang DENR employees dahil gusto pasabugan ng granada.

Inihayag ni Bahian na nangangahulugan na kursunada talaga ang suspek na aatekehin ang DENR officials dahil sa nangyari sa kanyang kargamento.

Subalit pilit itong pinigil ng nagka-respondeng mga pulis pero hindi nakinig kaya tumulong ang ilang mga mag-aaral para mapigil ang pagwawala ng suspek.

Makikita rin sa hawak na video ng paaralan na nang mahawakan ng ilang estudyante ang suspek ay saka ito nilapitan ng mga pulis subalit nabitawan ang granada habang kinuyog.

Bago pa man natumba si Police Master Sgt Jayson Magno,47 anyos at ang suspek ay sumabog na ang granada kaya kapwa sila tinamaan.

Nasawi si Magno ilang minuto matapos nadala sa pagamutan habang binaril-patay rin si Basher.

Nasa kritikal na kalagayan rin ang kasama ni Magno na si Police Master Sgt Alice Balido na kabilang sa halos 20 mga sugatan kasama ang mga mag-aaral at DENR employees nang matamaan sa sharpnels ng granada.

Si Misamis Oriental Provincial Police Office Director Col Robert Roy Bahian

Una rito,agad sinuspende ang klase ng paaralan dahil sa madugo na pangyayari.