CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang binawian ng buhay ang babaeng nagpatiwakal matapos madiskubre sa pamamagitang ng facebook na may ibang babae ang kanyang mister sa Brgy. Camaman-an nitong lungsod.

Sinabi ni Pedrito Amarga na nakita na lamang niya ang kanyang anak na nakatali ang leeg sa kanilang bahay kayat agad na isinugod sa ospital ngunit binawian rin ng buhay.

Aniya, nakaramdam umano ng matindig selos ang kanyang anak sa nadiskubre nito sa facebook kaya humantong sa pagkitil ng sariling buhay.