CAGAYAN DE ORO CITY- Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang babaeng beneficiary ng 4P’s at kasama nito matapos mahuli sa isinagawang Drug buy-bust operation ng mga pulis sa Capt. Vicente Roa St. Brgy 30 nitong lungod.

Kinilala ang mga suspek na sina Baima Jadjisamad at Paul Torres.

Sinabi ni Cogon Police Station Commander Capt. Ernesto Sanchez na nakuha sa posisyon ng dalawa ang pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,036,388.