CAGAYAN DE ORO CITY-Naka isolate na ngayon ang babaeng nahuli sa buy-bust operation na nadiskubreng nagpositibo sa COVID-19 sa Barangay Gusa nitong lungsod.

Sinabi ni Agora Police Station Commander Capt. Julius Saluta, hindi muna pinapasok sa trabaho ang mga pulis na umaresto sa babaeng nasa hustong gulang matapos malamang tinamaan ng coronavirus ang kanilang nahuli.

Agad naman umanong nagsagawa nang pag dis-infect sa buong police station.

Nilinaw din ni Capt. Saluta na hindi nakitaan ng sintomas ang kanyang mga pulis na may close contact sa pasyente.