Nananatili ang pag-asa ng mga Pilipino sa Estados Unidos na hindi madamay sa mga aksyon laban sa undocumented immigrants alinsunod sa resulta ng US Midterm Elections.
Sa pakikipag-usap sa Bombo Radyo kay Randy Famacion, Bombo International News Correspondent sa Chicago, Illinois, ipinaliwanag nito na may malaking pagbabago sa pagtrato sa mga immigrant depende kung aling partido ang mamamahala sa lehislatura.
Ayon kay Famacion, karamihan sa mga Democrat ay mas paborable at bukas sa mga legal at undocumented immigrant, kung saan mayroon pang panawagan mula sa ilan na i-abolish ang Immigration and Customs Enforcement o ICE.
Samantalang ang mga Republican ay mas nakatutok sa pagsasagawa ng mas hihigpit na mga regulasyon laban sa mga ilegal na naninirahan sa bansa.
Idinagdag pa ni Famacion na pinakamahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng dalawang partido, ngunit malaki ang pag-asa na maprotektahan ang mga Pilipino dahil sa kanilang sipag, dedikasyon, at kabutihan sa trabaho sa Amerika.









