CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaranas ng mga pagbaha ang ilang bahagi ng silangang bahagi ng Cagayan de Oro City at dalawang bayan ng Misamis Oriental.
Ito ay kasunod ng malakas na pagbuhos ng pag-ulan sa nabanggit na bahagi ng syudad at lalawigan nitong hapon lamang.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Department acting head Nick Jabagat na nasa Barangay Bugo at Barangay Puerto na ang kanilang rescue team upang sasagipin ang sinuman na mga residente na ma-stranded ng pagbaha.
Inihayag ni Jabagat na tanging sa nabanggit na bahagi lamang ng lungsod na mayroong pagbuhos ng mga pag-ulan.
Magugunitang pinakauna itong pagkakataon na tinamaan ng pagbaha ang Barangay Bugo sa kasaysayan ng lungsod.
Samantala,inuulat naman ni Bombo volunteer reporter Aldren Lagrada na nakaranas rin ng pagbaha ang bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.
Inihayag nito na masyadong malakas ang buhos ng tubig-baha dahil ilan sa heavy equipment na ang natangay.
Inaalam pa rin ng mga otoridad na mayroong isang katao na ang nasawi dahi nalunod epekto ng pagbaha.