CAGAYAN DE ORO CITY-Nauwi sa pagkasunog ang dalawang palapag na bahay dahil sa paglalaro ng bata ng lighter sa Macanhan, Carmen nitong lungsod.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), lumalabas na ang naiwang bata ay sinindahan ang karton sa ikalawang palapag kayat nagresulta sa pagka-abo ng bahay.

Malaking tulong naman ang ‘firewall’ kayat napiligang madamay ang tirahan ng mga kapit-bahay.

Tinatayang nasa P70,000 ang danyos ng nasabing sunog.