Nagsalita na si Prosecution Panel Spokesperson at dating Representative Robert Ace Barbers ukol sa mga naging pahayag ni Atty. Michael Poa kaugnay ng imbestigasyon sa kompedensyal na pondo.

Binigyang-diin ni Barbers na bago pa naging bahin ng defense counsel si Poa, naglingkod ito bilang DepEd Chief of Staff at tagapagsalita ng Office of the Vice President (OVP).

Dahil sa kanyang mga naging tungkulin, inaasahang may direktang kaalaman siya sa pagpapatupad at paggasta ng confidential at intelligence funds.

Gayunpaman, ang paulit-ulit na naging tugon ni Poa nang tanungin ukol sa paggamit ng pondo ay “wala akong alam.”

Ayon kay Barbers, tila naging gawi o “template” na ng mga kawani ng DepEd at OVP ang pagtanggi na may kaalaman sila sa mga transaksyon.

Dahil sa sitwasyong ito, lalo pang tumindi ang pagdududa ng prosecution panel sa legalidad ng paggastos sa pondong pambayan.