CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan bagamat nasa ligtas ng kalagayan ang umano’y aktibong brgy konsehal na kabilang sa nakipagbarilan ng joint operations ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Northern Mindanao at Caraga Regions sa Masterson Avenue,Upper Carmen,Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos natunugan ng isang Mohamar Habib alyas Kabayo na mga operatiba ng PDEA ang kanilang naka-transaction sa isang uptown mall kaya nagkahabulan at nagkabarilan.
Sa panayam ng Bombo Radyo ni PDEA Misamsis Oriental Team head Cardona na nakasakay ang dalawang suspek ng Toyota Innova na mayroong plaka na ZSN 330 habang binaril ang mga ahente ng gobyerno hanggang natamaan si Mohamar at naiwan sa loob ng sasakyan.
Inihayag ni Cardona na pinakilos na rin nila ang kanilang intelligence contacts katuwang ang Cagayan de Oro City Police Office upang tugisin ang kasama ni alyas Kabayo na armado ng kalibre 45 na baril na nakaiwas pag-aresto sa kasagsagan ng barilan.
Dagdag ng opisyal na agad isinugod sa ospital si Mohamar upang iligtas at makunan ng ibang mga impormasyon lalo pa’t malawak umano ang area of drug distribution ng mga ito sa Mindanao.
Nakompiska ng PDEA agents ang inisyal na 13 sachets ng suspected shabu na mayroong estimated street value na P120,000.