CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala ang Bureau of Fire Protection Cagayan de Oro sa mga residente na mag-ingat sa panahon ng Higalaay Festival.
Ayon kay Fire Supt. Rey Lorono, City Fire Marshal ng BFP-CDO, dapat iwasan ang pag-iwan ng niluluto sa kusina at siguraduhing patay ang apoy o LPG bago umalis ng bahay.
Dagdag pa niya, dapat i-unplug ang mga appliances na hindi ginagamit o i-off ang breaker upang maiwasan ang sunog. Panawagan ng ahensya ang masusing pag-iingat ng bawat pamilya upang maiwasan ang disgrasya sa kasayahan.











