Nilinaw ng Bureau of Fire Protection na walang katotohanan ang mga usap-usapan na binago o sinadya ng pamahalaan ang pagpapalalaya sa itinuturong suspek sa kasong arson sa nangyaring malaking sunog sa Sitio Sta. Cruz 2, Barangay Lapasan.
Nilinaw ni CDO Fire District Investigator FO2 Kyle Nichol Reyes na pekeng balita ang kumakalat sa social media na si Mayor Rolando “Klarex” Uy o ang BFP ang nagpalaya sa naturang suspek.
Ipinaliwanag din ng opisyal na wala silang karapatang magkulong at ang pagpapalalaya ay ginawa alinsunod sa legal na proseso dahil hindi ito nadakip sa pamamagitan ng inquest proceedings.
Dahil dito, nagpaalala ang BFP sa mamamayan na huwag basta-basta maniwala sa mga AI-generated na balita at hintayin na lamang ang pormal na preliminary investigation.











