Nagpalabas ng paalala ang Bureau of Fire Protection sa lungsod upang maiwasan ang mga sunog sa gitna ng mainit na panahon at ng nagkakalapit na Pasko.
Paalala ni Fire Inspector John Rey Donasco na tiyaking mayroong ICC sticker o selyo ng kaligtasan mula sa DTI ang mga bibilhing Christmas lights at huwag magpadala sa murang substandard na gamit.
Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangang bunutin ang lahat ng saksakan at mga electrical gadget sa gabi upang maiwasan ang sunog habang natutulog ang mga tao.
Kaya naman hiling ng BFP sa publiko na mag-ingat at maging alerto dahil mahirap nang iligtas ang pamilya kapag nangyari ang sunog sa mga oras na natutulog na ang lahat.










