CAGAYAN DE ORO CITY – Inaasahan na makahatak pa ng husto ng popularity support mula sa Filipino-Americans ang kandidatura ni Democrats Presidential Candidate Joe Biden habang papalapit pa ang halalan sa bansang Estados Unidos sa Nobyembre 3,2020.
Ito ay matapos kinilala ni Biden ang malaking kontribuTsyon ng Filipino workers at frontliners na matagal nang naninilbihan at ang kasalukuyang sitwasyon na nahaharap ng malaking hamon ang buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic na nagtala na ng higit siyam na milyon katao na infected.
Iniulat ni Bombo Radyo International News Correspondent Jojo Noble ng Cagayan de Oro City na nakabase sa estado ng Maryland na nasisiyahan sila na binigyang pagkilala ni Biden ang mabuting pakikitungo ng mga Amerikano sa working Filipinos sa Amerika.
Dagdag ni Noble na ideneklara at nais palakasin ng Democrats presidential nominee ang Filipino-American History Month na gugunitain kada-buwan ng Oktubre ng taon.
Katunayan,naglabas pa ng Twitter message si Biden na kung mahalal itong bagong pangulo bilang kapalit ni US President Donald Trump ng Republican Party ay tuluyang hindi umano mapababayaan ang mga Pinoy na kabilang na nagbigay proteksyon para sa mga Amerikano.