CAGAYAN DE ORO CITY-Ikinagulat ng may-ari ng isang inahin na baboy matapos magsilang ng may kakaibang hitsura ang kanilang alaga dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sinabi ni Kagawad Salvacion Zapanta, madaling araw noong Febuary 14 araw ng mga puso, nagsilang ng siyam na biik ang kanilang baboy sa Calaanan, Canitoan nitong lungsod.

Pumukaw sa kanilang attention ang isang kulay puti na biik na may dalawang bibig.

Aniya, ipapasuri nila ito sa Veterinarian upang malaman ang dahilan sa kakaibang mukha.

Balak din ng kanilang pamilya na gawing ‘pet’ ang biik dahil sa paniniwalang may dala itong swerte.