CAGAYAN DE ORO CITY-Umabot na sa halos isang daang mga healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 sa Cagayan De Oro.

Sinabi ni City Epidemiologist Dr. Joselito Retuya na ang pinakabagong nahawa ng coronavirus ay ang isang doctor at isang midwife.

Sa kabuohan, nakapagtala na ng 81 frontliners ang mga nagpositibo sa virus sa lungsod na kinabibilangan ng 23 na doctors at 38 nurses.