CAGAYAN DE ORO CITY – Binalot umano ng husto sa sobrang pangamba at takot ang Asian-Americans lalo ang mga mayroong dugong Filipino sa buong Estados Unidos.
Ito ay bunsod pa rin sa talamak na naranasang diskriminasyon at pananakit ang ilang Asian-Americans mula sa hindi kilalang mga mayroong lahi na maputi at itim sa nabanggit na bansa.
Iniulat ng New York based Bombo Radyo International News Correspodent Dolly Ilogon na nagmula Cagayan de Oro City na bakas umano sa mga pagmumukha ng Asian -Americans ang matinding takot sa magiging kahihitnan nila sa mga susunod na araw dahil patindi ng patindi ang banta para sa kanilang seguridad.
Sinabi ni Ilogon na partikular umano na tina-target ng mga nasa likod nang pananakit at diskriminasyon ay ang mga babaeng Asian Americans na nag-edad 60 hanggang 80.
Inamin rin nito na maging siya ay harap-harapan na tinaboy ng isang Black woman at sinabihang dapat uuwi na sa China.
Bagamat hindi pinatulan ni Ilogon ang pangmumura ng Black woman dahil batid nito na matatapang umano ang mga lahing ito kaya iniwasan niya na mag-go down ng level para maiwasan ang gulo.
Naikuwento rin nito na dalawang nagmula Cagayan de Oro City na Filipino-Americans ang biktima ng hate crime habang sumakay ng subway train sa estado ng New York na tahanan ng halos dalawang milyong Asian-Americans.