CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Lanao del Sur Police Provincial Office (LDSPPO) ang naganap na pamamaril sa bayan ng Pantar, Lumbatan, Lanao del Sur, ngayong tanghali.

Kinilala ni Provincial Director Police Colonel Madzghani Mukaram ang napaslang na si Lailani Bacarro, 33 taong gulang at residente sa nasabing lugar.

Inihayag ni Col. Mukaram na kasamang sugatan ang isa pang kaanak ng biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ng Lumbatan.

Napag-alaman na dalawang araw bago ang halalan ay nagpablotter ang napaslang na biktima dahil hinaras at binantaan sila ng kanilang kaaway na pamilya.

Sinabi ng mga imbestigador na kasalukuyang nasa hot pursuit ang mga operatiba at tumanggi muna silang i-divulge ang identity ng mga suspek.

Nilinaw naman ni Col. Mukaram na rido ang motibo sa krimen at hindi election related.