CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ni Dr. Jose Chan, hospital director ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na namatay ang dalawang pasyente na unang pinaghinalaang may sintomas sa 2019 Corona Virus Disease.
Sa inilunsad na Inter Agency Task Force againts COVID-19 sa loob ng Mayor’s Office, ngayong umaga, inihayag ni Dr Chan na naging kritikal ang kalagayan ng dalawang babaeng pasyente mula araw ng Martes.
Binanggit ni Chan na hindi taga Cagayan de Oro ang mga namatay at inilipat lang ito sa mula sa isang ospital nitong rehiyon.
Aniya, namatay ang mga pasyente sa loob ng 24 oras.
Hindi muna sila magbibigay ng karagdagang detalye ang NMMC sa nabangggit na mga pasyente dahil iginigiit nito na ang Severe Acute Respitatory Illness o SARI ang sanhi ng kanilang pagkamatay.