CAGAYAN DE ORO CITY (update) – Ligtas na ang anim na Overseas Filipino Workes (OFWs) matapos ang maganap ang mass shooting sa Nakhon Rachasima City, Thailand, kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro kay Violeta Magbanua, isang pinay clerk mula Amphoe Muang Suphan Buri Thailand, inamin nitong nanginig sila sa takot matapos nilang mabasa ang post ng mga pinay sa facebook na humingihi ng tulong sa Philippine Embassy.
Batay sa post, nagtatagu umano ang mga pinay sa isang sulok ng mall upang hindi sila madamay sa mga shoppers nga isa-isang pinatay ng “lone gunman”.
Sinabi ni Magbuana na ligtas na nairescue ang mga OFWs matapos ma-ilockdown ng mga otoridad ang pasilidad ng inatake na mall.
Nagbaril sa sarili ang suspek na nakilalang si Jakrapanth Thomma, 32, isang army corporal.