CAGAYAN DE ORO CITY – Umarangkada na ang launching ng Convergence Areas for Peace and Development o CAPDev sa ilalim ng pamumuno ng Cabinet Officers for Regional Development and Security (CORDS) kung saan pinili ng Pangulong Rodrigo Duterte si Press Secretary Martin Andanar na siyang mamumuno sa CORDS-Northern Mindanao Region.
Ang historical launcing ng CAPDev ay kasalukuyang nagaganap sa Sitio Mainaga, Brgy Iba, Cabanglasan Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Colonel Edgardo De Leon, commander ng 403rd Brigade ng Philippine Army, pinaliwanag nito kung bakit napili ng nabuong Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang bayan ng Cabanglasan sa kanilang paghahatid pangunahing serbisyo.
Aniya, minsan naging infested ng New Peoples Army ang nasabing bayan.
“Nagkataon na ang launching ay didto gaganapin sa Barangay Iba, Cabanglasan, ay dating na radicalize. Ginawang radical ng teroristang NPA. Pero eventually, late last year, nagbalik loob yong mga tao sa Sitio Mainaga. May ibat-iba pang mga serbisyong nadarating ngayon didto at mga housing. Mag-aaward din po ng mga housing units para sa mga beneficiaries. Ang bawat ahensya ng government meron ilulaunch na serbisyo”
Kabilang sa pangunahing target ng miyembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay ang pag-identify ng mga conflict affected areas sa buong Pilipinas.
Si Andanar, bilang regional chairman ng CORDS ay magco-convene sa Malaybalay City ngayong umaga.
Makakasama niya ang mga Cabinet Secretaries na sina DND Sec Delfin Lorenzana, Interior Sec Eduardo Año, Security Adviser Hermogenes Esperon Jr, DSWD Sec Rolando Bautista, OPPAP Sec Carlito Galvez, at maging sina Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na siyang regional peace and order council chairman ng region 10 at Bukidnon Gov Jose Maria Zubiri ang chairperson Regional Development Council nitong rehiyon.
Ang task force na pangungunahan ni Sec Martin Andanar ay magcoconvene sa Malaybalay City kung saan sisimulan nila ang pag-identify ng mga conflict affected areas sa Northern Mindanao at doon nila ibubuhos ang sustainable development at program nga gobyerno kagaya ng mga livehood assistance at pabahay.