Photos from Bombo Radyo CdeO coverage team

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang negosyante na isinangkot sa akusasyon na umano’y gumagawa ng mga peke na pera at magkaibang government identification cards sa Purok 5,Barangay Tablon, Cagayan de Oro City nitong umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Criminal Investigation and Detection Group-Misamis Oriental Team head Police Lt Noel Oclarit na kinilala ang suspek na si Robert de la Cerna,legal age,may asawa at resident sa lugar.

Inihayag ni Oclarit na nakompiska sa suspek nay may-ari ng printing shop ang isang hindi pa nabilang na bundle ng pera at kalibre 38 na baril.

Dagdag ng opisyal na inaaresto nila si De la Cerna batay sa search warrant order dahil sa nakompiska ng mga kagamitan.

Natuklasan na maliban sa umano’y paggawa ng fake money,tumatanggap rin ang suspek ng ibang pagpapalusot ng government documents kaya ikinasa ang operasyon.

Una nang itinanggi ng kanyang buong pamilya ang akusasyon at iginiit na gawa-gawa lamang ang mga ito.

Si Criminal Investigation and Detection Group-Misamis Oriental Team head Police Lt Noel Oclarit

Napag-alaman na dati nang naaresto si De la Cerna dahil pa rin sa katulad na akusasyon noong nagdaan na mga taon sa syudad.