CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinunyag ni Presidential Communications Sec Martin Andanar na siya ang pinili ng Pangulong Rodrigo Duterte na mangulo ng makasaysayang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) sa rehiyon
Nasa Cagayan de Oro City ang kalihim upang makipagpulong sa mga miyembro ng Regional Peace Development Council sampo ng mga miyembro ng Regional Task Force in Local Communist Armed Conflict.
Sinabi ng kalihim na magaganap ang pinaka-una at “historic meeting ng buong miyembro ng CORDS sa Malaybalay City Bukidnon, bukas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Andanar na kabilang sa dadalo sa nasabing meeting ay ang mga kalihim ng DWSD, DND, at maging ang co-national chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Kabilang sa magiging sentro ng pagtitipon ang usaping pangkapayapaan o peace agenda ng Duterte Administration.
Sinabi ni Andanar na tututukan ng nabuong task force ang implementasyon ng mechanismo para sa localized peace talks sa loob ng anim na buwan, pagbibigay ng basic services at social development packages sa mga identified conflict-affected areas.