JUST IN : Pormal nang nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng state of national energy emergency upang protektahan ang bansa mula sa nakaambang epekto ng umiigting na tensyon at sigalot sa Middle East.

Base sa kabuuan ng Executive Order (E.O.) No. 110 na inilabas ngayong ika-24 ng Marso 2026, nilalayon ng hakbang na ito na agad na tugunan ang banta sa katatagan at kasapatan ng suplay ng enerhiya ng bansa matapos matukoy ng Department of Energy (DOE) ang kritikal na sitwasyon.