CAGAYAN DE ORO CITY – Naging matagumpay ang closed-door-meeting ng walong South Korea officials, at sampu ng mga tauhan ng Bureau of Customs, kahapon.
Inamin ni Mindanao International Container Terminal Port Collector John Simon na naging mahaba ang kanilang pag-uusap kasama ang mga taga environment department ng Seoul at naging sentro ng discussion ang nalabag na batas ng Verde Soko Philippines.
Matapos ang dialogo, napagpasyahan ng Korean Government ang pagban ng importasyon ng basura, hindi lang sa Pilipinas at maging sa ibang bansa dahil sa nakita nilang masamang epekto sa kapaligiran at pangangatawan ng tao.
Inihayag ni Simon na bumuo ng agreement ang BOC at department of environment ng Seoul na hinding hindi na sila magpapadala ng basura sa Pilipinas.
Target ng dayuhang bansa ang pagpadala ng kanilang barko sa katapusan ng Hunyo kung saan aabot sa 250 container vans ng waste imported materials ipapalabas ng Pilipinas.