CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – “Nagkamali ako sa paghingi ng suporta n’yo kay President Bongbong Marcos”.
Bahagi ito sa pambungad na pahayag ng Bise Presidente Sara Duterte, nang dumalo sa ika-39 na anibersaryo ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Church sa Davao City, kagabi.
Personal na pinasalamatan ni Duterte ang 6 Milyon na miyembro ng simbahan na bumuhos ng kanilang suporta para sa kanya at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong nakaraang halalan.
Gayunpaman, sa unang pagkakataon, inamin ng bise presidente na nagkamali siya sa kanyang desisyon na humingi ng tulong sa KOJC sa kandidatura ni Marcos.
Ibinunyag ni VP Sara na nagkamali siya sa kanyang pahayag na pareho sila ng plataporma ng kasalukuyang pangulo ngunit, ang kanilang pag-uunawa sa paksa ng pagkakaisa at sustainable platform ay magkasalungat.
Nagsisisi umano ang bise presidente at ito ang dahilan kung bakit hinihiling niya na siyay patawarin ng simbahan dahil nasayang ang kanilang boto.
“I was on the mistaken belief that we were together on the platform of Unity and continuity”, pag-amin ni VP Sara.