CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong sundalo habang apat ang mula sa Philippine Air Force sa Brgy Bolunay,Impasug-ong City,Bukidnon kaninang hapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero na maghahatid sana ng military supply ang mga biktima nang makaranas ng mechanical problem ang UH-1H Number 517 chooper dahilan pagbasak nito sa lugar.

Inihayag ni Cordero na hindi nakaligtas ang lahat ng sakay na mga sundalo nang tuluyang bumagsak ang nabanggit na chopper.

Sa ngayon,nasa bisinidad ng crash site na ang tropa ng 8th IB,Philippine Army upang ma-retrieve ang mga bangkay ng sundalo at dadalhin sa headquarters ning 4th ID,Philippine Army sa Cagayan de Oro City.

Si 4th ID spokesperson Maj Jhun Cordero

Bagamat hindi pa binigay ng 4th ID ang pangalan ng mga nasawi na mga sundalo subalit sa inisyal na mga lumutang na ulat ay nakasakay ang umano’ mga opisyal na nagngangalang Lt Col Arroyo at Lt Caabay.