CAGAYAN DE ORO CITY-Timbog sa kamay ng mga otoridad ang isang Brgy official matapos umanong magbenta ng iligal na droga sa Southern Poblacion, Baliangao, Misamis Occidental.

Kinilala ang suspek na si Rosell Rodulph Yap Tan, 35, may asawa at kasalukuyang Brgy Kagawad sa naturang lugar.

Sinabi ni Baliangao Municipal Police Station Commander Capt. Pidta Comonog na nakuha sa posisyon ng suspek ang pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P18,000.

Ayon kay Capt. Comonog na kasong paglabag sa RA 9165 ang kanilang isasampang kaso sa lunes laban sa nahuling brgy kagawad.