CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kaso ang isang Brgy Official na naaresto ng mga pulis dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Purok 5, Brgy Dalirig, Manolo Fortich Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Hentherjo Dalit, 37-anyos, may asawa at Brgy Kagawad ng Brgy San Roque, Sumilao sa naturang lalawigan.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang pitong sachet ng napatunayang shabu base isinagawang eksaminasyon.

Nagpositibo rin ang opisyal sa paggamit ng ilegal na droga ng masuri ang urine sample nito.