CAGAYAN DE ORO CITY – Kinaharap ng aktibong punong brgy kasama ang tatlo pa nitong konsehal ang mga kasong kriminal sa piskalya sa Bukidnon.
Ito ay matapos naaresto ng Criminal Investigation and Detection and Group-10 batay sa search warrant ng korte sina Punong Brgy Abraham Jabiniao;Kagawads Elias Sarepa; Ramil Jabiniao;Virgilio Sarepa kasama sina Rolly Jabiniao at Randy Sabanto na lahat residente sa Laculac,Baungon,Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni CIDG-10 regional chief Col Chuli Jun Caduyac na inaaresto ang mga suspek batay sa reklamo na nakarating sa kanilang tanggapan mula sa ilang residente sa lugar.
Sinabi ni Caduyac na kabilang sa mga nakompiska ng tropa ang M1 Garand rifle;shotgun;Carbine rifle;limang improvised shotguns,dalawang kalibre 45;caliber 22 at .38 caliber revolver,dalawang granada at maraming mga bala.
Kasaluluyang nakakulong muna ang mga ito sa mini-cell ng CIDG-10 habang hinihintay ang commitment order mula sa korte dahil sa kasong illegal possession of firearms,ammunitions at explosives.