CAGAYAN DE ORO CITY – Walang mapapansing bakas ng panghihina sa chairman ng Barangay Lumbayao Valencia City Bukidnon sa kabila ng pagiging positibo nito sa COVID-19.

Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro sa naturang kapitan, sinabi nitong wala siyang nararamdamang sintomas ng coronavirus simula ng malamang taglay na niya ang bayrus.

Ipinagmalaki pa nitong nagawa pa niyang maka score sa kanyang misis na kasama niyang naka home quarantine sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

Ang opisyal ay kabilang sa mga lumahok sa isinagawang derby sa Matina Davao City kung saan marami na ang positibo sa bayrus.

Hindi na sinuri ng mga health expert kung nahawa rin ng bayrus ang misis nitong guro dahil wala naman itong nararamdamang sintomas.