CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing itinanggi ng barangay kapitan na nasangkot ito pagpaslang sa dalawang konsehal sa Dominorog,Talakag,Bukidnon.

Ito ay matapos itinuro si Dominorog Brgy Kapitan Judith Ocum ng tatlong testigo na umano’y nakipagsabwatan sa dalawang suspected hired killers para patayin sina Konsehal Mauricio Guinto at Kagawad Lorenzo Pedyaan habang naghihintay sana sa regular session nila noong Enero 20,2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Ocum na hindi umano niya ito magagawa dahil kaanak niya mismo si Guinto at wala siyang anumang personal na isyu laban sa mga biktima.

Inihayag ni Ocum na nabigla na lamang umano ito na siya ang kabilang sa itinuro na katunayan ay sila pa ng kanyang ka-trabaho sa barangay ang nagsumbong sa militar at pulisya kaugnay sa nangyari.

Si Dominorog Brgy Kapitan Judith Ocum

Subalit para naman kay Talakag Police Station commander Capt Dominador Orate Jr,hindi ito kumbinsido at sumasalungat umano ang mga ikinikilos at pinagsasabi ni Ocum kumpara sa resulta ng imbestigasyon.=

SiTalakag Police Station commander Capt Dominador Orate Jr

Una nang kinasuhan ni Orate ng double trouble si Ocum kasama ang tatlo nitong trabahante at maging suspected hired killers na sina Montano Samron at alyas Teng.