CAGAYAN DE ORO CITY – Sinusuri pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO-10) ang sanhi ng pagkamatay ng isang British National mula Green Heights Village, Lower Balulang, lungsod ng Cagayan de Oro.

Nakilala ang biktima na si Adrian Smith, 59 anyos at may ka-live-in partner

Ayon kay Rosa Dagondon, isang malamig na bangkay na ang kanyang mister ng kanyang hipu-in ang mga kamay nito dakung 4:30 ng umaga.

Pinaniwalaang inatake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Ayon naman kay SOCO-10 Senior Police Officer 4 Paul Jean Ragmac, kinakailangang ipa-autopsiya ang bangkay ng biktima upang masuri kung ano ang tunay na sanhi nga pagkamatay nito.

Sa ngayon, temporaryong nakahimlay sa loob ng Bollozos Funeral Homes ng Brgy Bulua ang bangkay ng biktima.