CAGAYAN DE ORO CITY- Gusto nang makulong kung mayroong sapat na basehan ni Senate blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon ang kontrobersyal na si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon.
Ito ay matapos sobrang dismayado si Gordon na namumuno sa ginawa na imbestigasyon sa hindi maayos na pagpapatupad ng Good Conduct of Time Allowance (GCTA) law kung naipalabas ang convicted criminals na nakagawa ng mga karumaldumal na kremin sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo CdeO,inihayag ni Gordon na hindi sana niya gusto na aabot sa ganoong punto na maiipit si Faeldon subalit pabalik-balik na lamang umano ang kontrobersya na kinasangkutan nito sa harap ng publiko.
Inihayag ni Gordon na gusto rin nito na tuluyan nang sipain ni Duterte sa katungkulan si Faeldon at ibang government officials na nasangkot sa mali-mali na pagpapatupad ng GCTA.
Dagdag ng senador na hayagang nagsisinungaling at umiwas si Faeldon na mabunyag ang katotohanan partikular ang tangka pag-release sana kay convicted rape-murderer dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.