CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang driver habang sugatan naman ang nasa 30 pasahero matapos mahulog ang kanilang sinasakyang Super Five Bus sa bangin ng Purok 7, Upper Puerto Cagayan de Oro.

Kinilala namatay’ng driver na si Rito Reyes, 47 anyos, residente ng Bangontaas, Valencia City, Bukidnon.

Sinabi ni Lt. Guillermo Zabala ng Puerto Police Station, galing sa Bukidnon ang bus at papasok sana dito sa lungsod ngunit pagdating sa lugar nawalan ng kontrol ang driver dahil sa madulas na daan kung kayat dumiretso at nahulog sa bangin may lalim na 20 talampakan.

Habang ang mga sugatang pasahero ay patuloy pang ginagamot sa magkaibang ospital sa lungsod.