CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang dalawang katao matapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation sa Purok 20A, Brgy Poblacion, Valencia City Bukidnon.

Kinilala ang mga napatay na sina Justiano Paloma, 32, residente sa Purok 3 sa naturang Barangay, No.9 Drug Personality Provincial level at Rey Canonigo, 20-anyos na taga Brgy Lumbo sa nasabing siyudad.

Sinabi ni Valencia City Police Station Commander Lt. Col. Surkie Sereñas na namalayan umano ng mga suspek na police ang kanilang ka-transaksyon kayat bumunot ng baril at nagresulta sa madugong insidente.

Naisugod pa sa ospital ang naturang mga personalidad ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival.

Nakuha sa crime scene ang dalawang kalibre 45 na baril, mga bala at ang pinaniniwalaang drogang shabu.