CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan si environmentalist Derek Cabe na huwag nang hintayin lumala ang epekto ng climate change bago kumilos.
Ayon sa kanya, ramdam na ng lahat ang krisis sa klima sa pamamagitan ng pagbaha at haze.
Binanggit niya na posibleng maranasan ng bansa ang mas matinding El Niño.
Ipinaliwanag niyang mahina pa rin ang proteksyon ng maraming lugar laban sa bagyo. Taun-taon ay may 20 hanggang 21 bagyo na pumapasok sa bansa.
Iginiit niyang kailangan ang agarang paghahanda laban sa super typhoon.











