CAFETADA mariing tumutol sa pagpasok ng dayuhang EV taxi firm
CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing tinutulan ng mga transport group ang biglaang pagpasok ng mga taxi mula sa isang dayuhang kumpanya sa Cagayan de Oro.

Ibinunyag ni CAFITADA President Bernie Jamaca na nagsumite na sila ng reklamo sa LTFRB Central Office laban sa Green GSM EV Taxi na pag-aari ng isang bilyonaryo mula Vietnam.

Dagdag pa niya, inihain din nila ang reklamo sa Kongreso at Senado upang imbestigahan kung paano naipagkaloob ang prangkisa.

Upang mas palakasin ang kanilang petisyon, nakipagsanib-puwersa ang CAFITADA sa malalaking transport group sa Maynila gaya ng MANIBELA at National Federation of Transport Cooperatives upang ipagtanggol ang mga lokal na operator.