Handa na ang pamahalaan ng Cagayan de Oro sa pamumuno ni Mayor Rolando “Klarex” Uy sa pag-host ng National Executive Board Meeting ng League of Cities of the Philippines ngayong araw habang isinailalim sa heightened alert ang seguridad sa buong lungsod.

Ipinahayag ni City Information Officer Jade Adeser na fully-prepared na ang lahat ng tanggapan para sa pagdating ng mahigit 30 mayor at mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Bukod dito, inaasahan din sa naturang pagtitipon ang opisyal na paglagda sa Sisterhood City agreement sa pagitan ng Cagayan de Oro at San Juan City upang mapalago ang ekonomiya at turismo.

Dahil dito, ipinakatap ang mga pulis at miyembro ng Roads and Traffic Administration upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at seguridad ng lahat ng bisita.